Pangulong Duterte walang sakit – Palasyo

0
63

Tiniyak ng Malakaniyang na nasa maayos pa rin ang laay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at nananatili itong abala sa kaniyang trabaho

Iyan ang inihayag ni Presidential Spokesman Atty. Sal Panelo bilang tugon sa mga naghahanap sa Pangulo na tila nawawala at hindi nasisilayan ng publiko mula pa nuong Agosto 9

Ayon kay Panelo, nakausap niya kamakailan lang ang Pangulo at marami itong inaasikaso kabilang na ang ilang mga pulong gayundin ang Courtesy Calls

Tambak na rin aniya ang mga dokumentong nirerebisa at binubusising maigi ng Pangulo kaya’t kung hindi aniya mabuti ang lagay nito, sinabi ni Panelo na ang Pangulo mismo ang siyang magsasabi nito sa publiko