ISIS inako ang pagsabog na ikinasawi ng 63 katao sa Afghanistan

0
46

Inako ng Islamic State Militant (ISIS) Group ang responsibilidad sa pagsabog na ikinasawi ng 63 katao sa Afghanistan.

Naganap ang suicide bombing sa isang wedding reception sa Kabul na itinuturing ng pinaka-mapanganib na pagatake sa Afghanistan ngayong taon.

Sa isang pahayag, mariing kinondena ng Estados Unidos ang naturang pagsabog.

Samantala sinabi naman ni Afghan Pres. Ashraf Ghani na prayoridad ang mag-paabot ng tulong sa mga pamilya ng biktima, habang tiniyak rin nito na mananagot ang may kagagawan ng malagim na insidente.