32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Electronic card system sa lahat ng city buses sa EDSA ipinapanukala

- Advertisement -

Ipinapanukala ngayon ng isang kongresista ang paggamit ng electronic card system sa lahat ng mga city buses sa EDSA.

Ayon kay House Transportation Committee Chairman Samar Rep. Edgar Sarmiento, bukod sa mas organisadong loading at unloading zone ay dapat rin magkaroon ng modernong collection system ang mga city buses.

Aniya, masyado kasing mahaba ang oras na ginugugol sa pagkaloketa pa lamang ng pamasahe na nagdudulot ng abala sa mga pasahero.

Dagdag pa nito, dapat ding tiyakin ng DOLE na maayos ang implementasyon ng Dept. Order 11-82 na nag-aatas sa mga bus companies na magbigay ng “fixed and performance based” compensation sa mga bus drivers at conductor.

Paliwanag ni Sarmiento, marami pa rin kasing mga bus sa EDSA ang boundary-base kaya’t nagdudulot ito ng bigat sa daloy ng trapiko sa naturang pangunahing kalsada.

Samantala tiwala rin naman si Sarmiento na kung titiyakin lamang na fixed at may modernong fare collection ay hindi na kailangan pang mag-overstay ng mga city bus sa mga bus stop na nagdudulot ng bigay sa dalot ng trapiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -