Pangulong Duterte umaasang magiging inspirasyon ang kasiyahan ng kapaskuhan

0
51

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging inspirasyon ang kasiyahan sa kapaskuhan para pagbutihin pa ng mga manggagawa sa gobyerno ang paglilingkod at serbisyo ng mga ito lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Magbibigay aniya ng bagong pag-asa para sa mga Pilipino ang pasko ngunit hindi ito lubos na makakamit kung hindi pa tuluyang manunumbalik ang law and order sa bansa pati na ang pagresolba sa problema ng korupsyon.

Panghihikayat ng pangulo, dapat ay lalong paigtingin ang pagtatrabaho ng mga gobeyernong manggagawa upang dumating ang araw na ganap na ang kasiyahan at kapayapaan sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

(written by: Kimberlie Montano)