34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Ina ng 14-year-old na Sagay Massacre survivor naghain ng kaso vs. mga pulis at ama ng bata

- Advertisement -

Naghain na ng reklamo ang ina ng 14-year-old na lalaking survivor ng Sagay Massacre sa Negros Occidental laban sa mga pulis at ama ng binatilyo.

Reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children ang inihain ng ina ng biktima sa tulong National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) laban kay Vic Pedaso.

Ito’y dahil sa pagpilit umano ni Pedaso sa anak na si alyas Lester na tumestigo laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sinasabing nasa likod ng krimen.

Magugunitang inireklamo ni Pedaso ng kidnapping at serious illegal detention ang abogado ng Sagay 9 na si Atty. Kathy Panguban ng NUPL.

Bukod kay Pedaso, inakusahan naman ng paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse Law sina Chief Insp.  Robert Mansueto, SPO1 Julie Ann Diaz at Police Officer Christine Magpusaw ng Sagay City Police.

Nahaharap din ang mga pulis sa umano’y paglabag sa rule on examination of child witness ng Supreme Court.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -