Matagalang tigil-putukan hangad ng Palasyo

0
50

Ipinahayag ng Malacañang na hindi lamang tuwing panahon ng kapaskuhan dapat magpatupad ng tigil-putukan upang mas maiwasan ang karahasan.

Ito’y matapos i-anunsyo ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na magdedeklara ang kanilang hanay ng unilateral ceasefire ngayong kapaskuhan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat ay magkaroon na ng permanenteng kapayapaan at matigil na ang pagdanak ng dugo lalo na sa pagitan ng mga Pilipino.

(written by: Kimberlie Montano)