Monday, May 6, 2024

DILG planong magdagdag ng 50,000 contact tracers sa bansa

- Advertisement -

Nais ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maglaan ang Kongreso ng P5-bilyon sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Bill para sa pagkuha at pagsasanay ng 50,000 contact tracers

Batay sa liham na ipinadala ni DILG Secretary Eduardo Año kina Senate President Vicente Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ang pagkuha ng 50,000 contact tracers ay layong mapalakas ang contact tracing capability ng bansa at maiwasan pa ang paglala ng hawaan ng virus.

Ayon pa kaya Año, kailangan pa ng bansa na mag-hire ng 50,000 contact tracers upang maabot ang inirerekomendang ratio ng World Health Organization (WHO) na 1:800 o isang contact tracers sa kada 800 tao.

Aniya, sakaling maaprubahan ang pagkuha ng 50,000 contact tracers ay idedeploy ang 20,000 dito sa Luzon, 15,000 naman sa Visayas, at 15,000 rin sa Mindanao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img