28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pangulong Duterte pinangunahan ang pagbubukas ng kauna-unahang ‘green airport’ sa bansa

- Advertisement -

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na pagbubukas ng Bohol-Panglao International Airport (BPIA), ang kauna-unahang green airport sa bansa.

Papalitan ng BPIA ang Tagbilaran Airport na opisyal na ring isinara kahapon.

Tinagurian ang nasabing paliparan bilang green gateway to the world dahil ginagamitan ito ng mga solar technology na makatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ayon sa Department of Transportation (DoTr), nagkakahalaga ang BPIA ng P8.9 billion kung saan kaya nitong pagsilbihan ang aabot sa dalawang milyong pasahero kada taon, mahigit doble sa kapasidad ng Tagbilaran Airport.

Sa naging talumpati naman ni Pangulong Duterte, sinabi nitong makatutulong ang bagong paliparan para mas mapalakas pa ang ekonomiya ng rehiyon gayundin ang masolusyunan ang lumalaking problema sa trapiko sa lalawigan.

“It’s an airport that will serve local and international tourists who would like to experience the beauty of Panglao. It will also address our growing traffic congestion and accelerate economic activities in the region.” Pahayag ni Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -