Pangulong Duterte kinumpirma mismo ang pagbibitiw ni Dureza

0
46

Kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Jesus Dureza bilang kalihim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa inagurasyon ng Bohol-Panglao International Airport (BPIA) kung saan inamin ng pangulo na ikinalungkot niyang tanggapin ang resignation ni Dureza, dahil nadamay lang umano ito isyu ng korupsyon.

Una rito, sinabi ng pangulo na sinibak niya sina OPAPP Undersecretary Ronald Flores at Asec. Yeshter Donn Baccay dahil sa katiwalian.

Magugunitang si Dureza ay isa sa mga pinaka-malapit sa pangulo na miyembro ng kanyang gabinete at kababayan sa Davao City.

Samantala, wala pa ring inilalabas na opisyal na pahayag si Dureza at ang mga sinibak na opisyal.

“I am very sad that I accepted the resignation of resignation of Secretary Dureza.” Pahayag ni Duterte.