28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pangulong Duterte nakiisa sa ‘Feast of Immaculate Concepcion’

- Advertisement -

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Solemnity of Immaculate Conception of Mary ngayong Sabado.

Ito ay sa kabila ng mga ibinabatong batikos laban sa ilang mga pari at obispong Katoliko.

SA kanyang mensahe, hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na tularan ang pagiging mapagpakumbaba at mapagmahal ni Birheng Maria.

Kanya ring sinabi na dapat maging paalala sa lahat ang pagiging bukas ni Maria nang tanggapin ang pagiging ina ni Kristo para iligtas ang sangkatauhan.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, kada taon ay ipinagdiriwang ang buhay ni Birheng Maria dahil sa kanyang pagiging simple, mabait at makatao na hinahangaan ng lahat lalo na sa panahon ng mga pagsubok.

(with report from Jaymark Dagala)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -