29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Palasyo kumpiyansang bubuti din ang consumer at business confidence sa bansa

- Advertisement -

Kumpiyansa ang Malakanyang na bubuti din ang business at consumer confidence sa susunod na taon.

Ito ay sa harap ng resulta ng survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas na pagdausdos ng kumpiyansa ng mga consumer at mga negosyante para sa huling bahagi ng 2018.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang mga isyung nakaka-epekto sa kumpiyansa ng mga negosyante at mga consumer.

Patunay aniya nito ay ang unti unting paghupa ng inflation na nasa 6 percent na lamang nitong Nobyembre mula sa dating 6 point 7 percent nuong Setyembre at Oktubre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -