Kumpleto na ang senatorial lineup ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada para sa midterm elections sa susunod na taon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni dating Senador Jinggoy Estrada na natapos na ng kanyang ama na si Mayor Estrada ang listahan ng mga iendorsong kandidato sa pagkasenador ng kanilang partido noon pang nakaraang Linggo.
Bukod sa kanya, kabilang aniya rito ang mga reeleksiyonistang sina Senadora Grace Poe, Nancy Binay at Sonny Angara, dating Senador Juan Ponce Enrile at Ramon Bong Revilla Jr.
Gayundin sina dating PNP at BuCor Chief Ronald Dela Rosa, dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino, dating Presidential Spokesperson Harry Roque, dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go at dating Quezon Representative Erin Tañada.
Samantala, inamin ni estrada na hindi niya nakita sa listahan ng ama ang kapatid at reeleksiyonistang si Senador JV Ejercito.
“I did not see his name there. Anyway, depende naman yan kay Mayor Erap yan. Basta alam ko nasaktan talaga si Mayor Erap sa patutsada ni JV.” Pahayag ni Estrada.