Pangulong Duterte may paalala sa bagong PNPA graduates

0
44

Pinaalalahanan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) na huwag magpasailalim sa kapangyarihan sa pagsabak nila bilang unipormadong empleyado ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa ika-40 Commencement Exercises ng PNPA sa Silang Cavite, hinikayat ng Pangulo ang Sansiklab Class of 2019 na panatilihin ang integridad, katapatan at pagiging makabayan na itinuro sa kanila ng akademya.

Hinimok rin ng Pangulo ang Sansiklab Class na tumulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs, terorismo at iba pang kriminalidad.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang buong suporta sa mga pulis, bumbero at jail guards upang manatiling mataas ang kanilang morale.

“Never be deceived by power nor by fame. What is important is your honor, because it is your badge toward genuine success.”

“I enjoin our fresh graduates to support and contribute to the administration’s fight against illegal drugs, terrorism, and corruption. Now more than ever, the Philippines needs optimistic and brave men and and women like you who have the qualities to be effective and efficient public servants.” Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte

—-