EO kontra travel junkets at team building activities sa gobyerno inilabas

0
53

Bawal na sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ang magliwaliw at mag-team building sa ibang bansa.

Ang ban laban sa travel junkets at team building activities ng mga taga-gobyerno ay laman ng executive order ng Pangulong Rodrigo Duterte na nag-update sa rules and regulations at allowances para sa mga official local at foreign trips ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.

Sakop ng kautusan na epektibo agad ay ang mga tauhan ng national government agencies, kabilang ang State Universities and Colleges, Government Owned and Controlled Corporations, government financial institutions, Congress, judiciary, constitutional commissions, Office of the Ombudsman at local government units.

Nakasaad rin sa EO na dapat ipagbigay alam ang lahat ng official foreign trips na bahagya o fully sponsored ng pribadong kumpanya o indibiduwal.

Ipinagbabawal sa EO ang sponsorship ng mga suppliers, contractors at iba pang kumpanyang mayroong dealings sa pamahalaan na mag-sponsor ng biyahe ng isang opisyal o empleyado ng pamahalaan, mapa-personal man o opisyal itong biyahe sa ibang bansa.

—-