Pangulong Duterte may apela sa mga kandidato ngayong midterm elections

0
51

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidato ngayong midterm elections na bigyan ng kalayaan ang mga botante na makaboto nang maayos sa Lunes.

Ayon sa pangulo, dapat na hayaan lamang ng mga pulitiko ang mga botante na malayang makapili ng kanilang mga ibobotong kanidato.

Aniya, sa oras na may makarating sa kaniyang ulat ng sinasakal ng mga pulitiko ang karapatan ng mga botante ay siya mismo ang makakabangga ng mga ito.

Kaugnay nito, kumpiyansa naman si Pangulong Duterte na magiging maayos at mapayapa ang halalan sa Lunes.

—–