Palasyo nanatiling positibo sa paglago ng ekonomiya ng bansa

0
55

Nanatiling positibo ang Malakanyang sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng pagbagal ng growth domestic product (GDP) sa unang quarter ng 2019.

Ito ay matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang 5.6 percent na GDP, na pinaka mababa naman sa loob ng apat na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kumpiyansa pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte na maabot pa rin ang target na 6 hanggang 7 percent na GDP, bago magtapos ang kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Panelo na nakaapekto sa pag-bagal ng GDP ang pagkakadelay ng 2019 national budget at ang bilyong pisong pinsalang idinulot ng El Ñino Phenomenon sa bansa.


GDP ng bansa bumagal sa 5.6%

Bumagal sa 5.6 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa para sa unang tatlong buwan ng 2019.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito ng ilang puntos kumpara sa 6.3 percent na GDP noong huling quarter ng 2018.

Ayon kay Socio Economic Planning Sec. Ernesto Pernia, posible sanang pumalo sa 6.6 percent ang paglago ng ekonomiya kung naisabatas lamang sa tamang panahon ang 2019 national budget.

Matatandaang, apat na buwang gumamit ang pamahalaan ng re-enacted budget makaraang ma-delay ang pagsasabatas sa pambansang budget.

“As we have forewarned repeatedly, the re-enacted budget would sharply slow the pace of our economic growth,” Pahayag ni Pernia.

—–