Friday, May 3, 2024

Mga lugar na itinuturing na election hotspots nasa mahigit 1,000 na

- Advertisement -

Pumalo na sa mahigit 1,000 mga lugar ang tinukoy ng Commission on Elections (Comelec), bilang election hotspots.

Ito ay batay sa inilabas na Comelec En Banc Resolution No. 10531, kung saan nasa kabuuang 1,196 na lugar na ang idineklarang election hotspots.

Matatandaang, una nang inilagay sa ilalim ng election hotspots bilang red category o areas of grave concern ang lahat ng lugar sa mindanao.

Nananatili naman sa ilalim ng Comelec control ang Daraga City sa Albay, Cotabato City at ang bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental.

Ang mga nabanggit na lugar ay inilagay sa direktang kontrol at supervision ng poll body dahil sa kasaysayan ng mainit na away pulitika, na posibleng magresulta sa karahasan.

Samantala sa mahigit 1,000 election hotspots, nasa 85 lugar ang nasa red category.

Nasa 706 na lugar naman ang nasa green category o generally peaceful and orderly, habang ang mga natitirang lugar naman ay nasa yellow category o areas of concern at orange category o areas of immediate concern.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img