Pangulong Duterte ibinaon ang sarili sa kahihiyan ayon kay Trillanes

0
48

Ipinahihiya na mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang sarili dahil sa hindi nito masolusyunan ang mga pangunahing problema ng bansa.

Iyan ang buwelta ni Senador Antonio Trillanes IV sa naging pahayag ng pangulo laban sa kanilang grupo na magdalo na inihalintulad sa teroristang Isis.

Ayon kay Trillanes, tila nauubusan na ng alas ang pangulo para sirain siya at ang kanilang grupo na aniya’y lalong nakakukuha ng simpatiya sa publiko.

Alam niyo sa mga panahon ngayon dumadami na ang mga kababayan natin na natatabangan na, nanlalamig na dito sa mga diskarte ni Duterte. Kumbaga binigyan na siya ng enough time para ipakita niya ‘yung mga yabang niya pero wala ho, lalong humirap ang buhay, giniba niya ang ating bansa, so, itong pag tinitira niya kami ay lalong napapalapit kami sa taong bayan, dito si Gary Alejano at ang grupong Magdalo.

Para kay Trillanes, maipagmamalaki nila ng taas noo sa mga Pilipino na kaya nilang tumayo at manindigan laban sa mga abusado, mamamatay tao at tiwaling opisyal ng gubyerno tulad ni Pangulong Duterte.

Ang tinatayuan naming, ang nilalabanan namin ‘yung mga tiwali at abusado na kagaya niya. S’yempre magagalit siya sa amin, pero in fact that’s a bunch of honor, pagka kinalaban mo ‘yung isang lider na abusado, korap, at mamamatay tao na kagaya ni Duterte, dapat ipagmamalaki niya ‘yan.

Magugunitang binanatan ng pangulo si Trillanes sa kaniyang pagharap sa Pilipino Community sa Papua New Guinea nitong Biyernes.

Careful of ‘yang partidong Magdalo. Ito ‘yung mga rebeldeng sundalo na nagkalat d’yan sa Makati pati sa Peninsula. And they destroyed everything parang Isis ang mga buang. Wala silang ginawa kun’di to kill, maghamon, magbastos. Be careful again with military. Lalo na ‘yang mga rebelde tapos na-rehab because they were extended pardon by Aquino, so, they became in his sort of invincible, pumasok na sa isip ‘yung, well I can do anything I want because I did the worst in my life and I’m still here being a senator.Be careful with those lies. Maniwala kayo.