Legal remedy ng kampo ni dating first lady Imelda Marcos hahadlangan ng Office of the Ombudsman

0
43

Hahadlangan ng Office of the Ombudsman ang ano mang legal remedy na inilalatag ng kampo ni dating unang ginang Imelda Marcos kaugnay sa kanyang naging conviction sa pitong kaso ng graft sa Sandiganbayan.

Sa inihaing oposistion paper ng Ombudsman prosecution team, hiniling nito sa korte na huwag pakinggan ang mga kathang isip na dahilan ni Ginang Marcos sa hindi nito pagdalo sa promulgation noong November 9.

Maliwanag anilang kasinugalingan ang naging katwiran ni Marcos na siya ay pinagbawalan ng kanyang doktor na ma stress dahil sa iba’t ibang karamdaman dahil lumutang naman ang mga larawan na nakipag – party pa siya sa naging kaarawan ng kanyang anak na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Patunay na anila nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ng dating first lady ay ang paghahain nito ng certificate of candidacy para tumakbong gobernador kapalit ng kanyang anak.