Ex-DA secretary naniniwalang babahain ng imported na bigas ang Pilipinas

0
50

Naniniwala si dating Department of Agriculture Sec. Leonardo Montemayor na babahain ng imported na bigas ang Pilipinas.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rice tariffication law.

Ayon kay Montermayor, nakapaloob sa nasabing batas ang rice competitiveness enhancement fund o RCEF, kung saan may P10 billion pondo para sa mga lokal na magsasaka.

Paliwanag ni Montemayor, ang pondong ito ay magsisilbing ayuda sa mga Pilipinong magsasaka na ma-apektuhan sa pagpasok ng mga imported na bigas.

Kasabay nito, aminado naman ang dating kalihim na mababawasan na ang smuggling ng bigas, dahil pinapayagan ng batas na ito ang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Sa ngayon, mayroong walong daang (800) milyong metrikong tonelada ang kabuuang produksiyon ng bigas sa buong mundo, kung saan apatnapung (40) milyong metrikong tonelada dito ang inilalagay sa pandaigdigang merkado para maibenta.

interview from Ratsada Balita