Pangulong Duterte hindi nakadalo sa PDP-Laban grand campaign rally

0
48

Bigong dumalo si Pangulong Rodrigo sa grand campaign rally ng PDP–Laban sa Davao City noong Biyernes.

Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, masakit ang ulo ng Pangulo kaya hindi ito nakadalo sa naturang event.

Hindi naman aniya seryoso ang naging sakit ng Pangulo kaya walang dapat na ipag-alala sa lagay ng kalusugan nito.

Kasabay nito ay inilabas din ni Go ang larawan ng Pangulo na kung saan ito ay kumakain ng midnight snack at nagbabasa ng ilang papeles.

Kinatawan naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang ama sa pamimigay ng certificate of land titles para sa mga benepisyaryo ng Agrarian Reform Program sa naturang lungsod.

—-