Kaso ng tigdas sa Baguio City tumaas na rin

0
43

Tumaas na rin ang bilang ng mga nagkakasakit ng tigdas sa Baguio City.

Ayon sa City Health Services Office, umabot na sa 170 measles case ang naitala mula January 1 hanggang March 9.

Kaugnay nito, nanawagan si Mayor Mauricio Domogan na magpabakuna laban sa tigdas lalo na’t ito naman ay libre.

Sa tala kasi ng lokal na pamahalaan, bumagsak sa mahigit siyam na libo (9,000) ang nabakunahan nitong unang tatlong buwan ng taon mula sa mahigit na 34, 000 na target population sa lungsod.

—-