Hindi kwalipikado si Pangulong Rodrigo Duterte na sumalang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine trial.
Ayon kay dating Health Sec. Esperanza Cabral may mga kategorya lamang na maaring isalang sa phase 3 ng mga vaccine trial.
Aniya, sa criteria para mapasama sa COVID-19 clinical trials ay hindi na maaring maisama ang pangulo dahil sa edad nito, at sa iba pang mga risk factors.
Una rito, matatandaang boluntaryong sinabi ng pangulo na siya ang unang magpapa-turok ng COVID-19 vaccine na ginawa ng Russia.