3 milyong unreported COVID-19 cases sa bansa tinawag na ‘stretch’ ng UP professor

0
17

Hindi kumbinsido si U.P. Professor Guido David na pumapalo na sa 3 milyon ang bilang ng mga unreported cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  sa Pilipinas.

Ito ay kaugnay ng ulat na inilabas ng Ateneo de Manila kung saan lumabas na nasa 3 milyon na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni David, tiwala siya na posibleng mas marami pa sa kabuuang bilang ng COVID-19  ang kaso sa bansa, ngunit hindi aniya siya naniniwala na nasa 3 milyon na ang kaso nito sa Pilipinas.

Dahil dito, tinawag ni David ‘stretch’ o pinalaki lamang ang report na milyon na ang bilang ng mga un-detected cases ng COVID-19.

Gayunman, welcome naman kay DAVID ang naturang pag-aaral at sinabi nitong maari itong gawing batayan sa iba pang gagawing mga pag-aaral hinggil sa pandemya.