‘Kumbinsihin niyo muna kami’ – Sotto sa adminitrasyong Duterte ukol sa Martial Law extension

0
41

Iginiit ni Vicente “Tito” Sotto III, Pangulo ng Senado, na kailangan munang kumbinsihin ng adminitrasyong Duterte ang kongreso kung gusto nitong muling palawigin ang martial law sa Mindanao.

Ayon  kay Sotto, dapat munang sabihin at i-detalye ng pamahalaan ang mga dahilan kung bakit nais nitong muling muling palawigin ang batas militar sa rehiyon.

Tiniyak ng liderato ng senado, na kung hindi magiging katanggap-tanggap ang paliwanag ng gobyerno, posibleng  maibasura lamang nila ang naturang panukala, ngunit kung makikita naman aniya na may dahilan talaga ang militar, hindi sila magdadalawang-isip na pagbigyan ito.

Noong nakalipas na buwan, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Carlito Galvez Jr. na napakahalagng mapalawig sa 2019 ang martial law sa Mindanao, lalo na at nalalapit na ang  mid-term elections.

Suportado naman ng Philippine National Police (PNP) ang muling pagpapalawig ng batas militar sa rehiyon na nakatakda nang mawalan ng bisa sa katapusan ng taon.

Kongreso, kailangang kumbinsihin ni Pangulong Duterte ukol sa pagpapalawig ng Martial Law