Pangulong Duterte di na pakikialaman ang House Speakership

0
57

Itinuturo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kawalan ng konsultasyon ng PDP-Laban sa pagpili ng susunod na House Speaker, kaya’t nagkakaroon ng pagkakawatak-watak sa kanilang partido.

Ayon kay Alvarez… na siya rin namang Secretary Genereal ng naturang partido… walang katotohanan na nagkaroon ng konsultasyon sa desisyon na suportahan si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Speakership Race.

Paliwanag ng dating Speaker, wala pang napipili ang kanilang partido dahil hanggang sa ngayon ay hinihintay pa rin nila kung sino ang i-e-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una rito, sinabi ng Pangulong Duterte na wala siyang susuportahan kung sino ang susunod na magiging Speaker ng 18th Congress.