Mga kaso vs. Ex-Pres. Aquino kaugnay ng Mamasapano ini atras

0
57

Ini-Atras na ng Office of the Ombudsman ang mga inihaing kaso laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ay kaugnay sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng SAF o Special Action Forces sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Sa dalawang pahinang resolusyon na inilabas ni Ombudsman Samuel Martires, walang nakitang sapat na basehan at ebidensiya upang kasuhan si Aquino ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Usurpation of Official Functions sa ilalim ng Revised Penal Code.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Martires na nakabatay ang naturang desisyon sa isinagawang pag-review sa Ombudsman Resolutions noong June 2017 at September 2017, kung saan na dismiss ang reklamong reckless resulting in multiple homicide laban kay Aquino at kina dating PNP Chief Alan Purisima.

Gayunman, nilinaw naman nito na hindi pa rin tuluyang absuwelto si Aquino sa mga naturang kaso.