House Speakership ipauubaya ng Pangulong sa Kamara

0
53

Nanindigan si Marinduque Rep. Lord Allan Velaso na walang “Term Sharing Agreement” sa pagitan nila ni Taguig City Rep. Allan Peter Cayetano.

Sakabila ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng nasabing kasunduan sa pagitang ng 2 mambabatas.

Ayon sa ipinalabas na statement ni Velasco, sinabi nito na walang anumang sinabi ang Pangulo na Term-Sharing.

Anya, malinaw ang pahayag ng Pangulo na hindi siya makikialam sa isyu ng Speakership Race sapagkat kanya na itong ipina-uubaya sa mga miyembro ng Kamara.

Una rito, sinabi naman ni Cayetano na ang konsepto ng Term-Sharing ay upang maresolba ang gusot sa Speakership Race.

Samantala, hati naman ang mga mambabatas sa isyu ng Term-Sharing, kung saan may ilan ang tutol dito dahil na rin sa usapin ng katatagan ng Kamara.