DFA ipinagbawal na ang paglalayag ng mga Chinese Survey Ships sa karagatang sakop ng Pilipinas

0
45

Ipinagbawal na ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Junior na maglayag ang mga Chinese Survey Ships sa karagatang sakop ng pilipinas.

Ito mismo ang kinumpirma ni Locsin isang linggo matapos ma-alarma si Defense Sec. Delfin Lorenza, dahil namataan ang ilang Chinese Warships sa EEZ ng bansa nang walang permiso mula sa pamahalaan.

Sa kaniyang Twitter Account sinabi ni Locsin na ang kaniyang pag-ban sa mga Chinese Marine Survey Ships ay bilang pag-amyenda sa nauna nang ipinatutupad na restriksyon sa mga Marine Survey Ships ng France at Japan.

Paliwanag ni Locsin, ang pagkakabilang ng China sa naturang Ban ay upang hindi na aniya kumalat pa ang mga ispekulasyon na pinapaboran ang China.

Una rito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang masama na kung manghihingi ang pamahalaan ng tulong sa Estados Unidos upang mamonitor ang mga barkong dumadaan sa karagatang sakop ng bansa.