31.9 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Pulitika motibo sa pamamaril sa konsehal ng Sto. Tomas Pangasinan

- Advertisement -

Tinututukan ng pulisya ang anggulong pulitika sa motibo sa pananambang kay Sto. Tomas Pangasinan Councilor Benjamin Oculto habang nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon sa krimen.

Ayon kay Police Regional Office Director Chief Supt. Romulo Sapitula, lumabas sa kanilang paunang imbestigasyon na tanging target lamang ng pananambang si Oculto.

Tumatakbo rin aniya itong kandidato sa pagka-bise akalde sa bayan ng Sto. Tomas.

Si Oculto ay tinambangan ng grupo ng isang Junjun Vidal matapos dumalo sa isang church service sa Poblacion East alas-10:30 ng umaga kahapon.

Naaresto naman si Vidal makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -