Pangulong Duterte at PDEA Dir. Gen. Aquino protektor umano ng drug syndicate — Acierto

0
62

Tahasang inakusahan ni dating police official Eduardo Acierto sina Pangulong Rodrigo Duterte at ilan pang mga opisyal ng pamahalaan bilang protektor umano ng drug group ni Michael Yang.

Ayon kay Acierto, nagsisilbing protektor ng umano’y sindikato ng iligal na droga sina dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa, dating special assistant to the pres. Bong go, at kasalukuyang PDEA. Dir. Gen. Aaron Aquino.

Paliwanag ni Acierto, imbes na imbistigahan ng mga otoridad ang pagkakasangkot ni Yang sa illegal drug trade ay mas pinili ng mga ito na manahimik at ibaon na lamang sa ibang isyu ang kaugnayan nito sa mga iligal na droga.

Magugunitang si Yang ang dating economic adviser ni Pangulong Duterte na idinawit rin naman ni Acierto sa illegal drug trade.