Ilang kalsada sa Metro Manila isasailalim sa road reblocking

0
64

Ilang kalsada sa Metro Manila ang isasailalim sa road reblocking at repair simula kahapon, Abril 5 hanggang sa Lunes, Abril 8.

Batay sa abiso ng DPWH o Department of Public Works and Highways, kabilang sa mga apektadong kalsada ang second lane mula sa side walk sa kahabaan ng EDSA Southbound mag-mula sa New York Street hanggang Monte De Piedad Street.

Habang, kabilang rin naman ang EDSA Northbound, 50 metro mula MRT Magallanes Station hanggang sa outer lane ng Makati City.

Partikular na rin ang C-5 Southbound mula Ortigas Flyover hanggang sa may harapan ng Tiendesitas Shopping Complex sa Pasig City.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ang mga motorista na asahan ang mas mabagal na daloy ng trapiko at kung maari ay gamitin na lamang ang mga alternatibong ruta.