Pangmaba sa plano ng pamahalaan na mag-angkat ng bigas pinawi

0
46

Pinawi ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang pangamba ng mga magsasaka sa plano ng gobyerno na mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Ayon kay Piñol, walang dapat ikatakot ang mga magsasaka sa hakbang na ito ng pamahalaan, dahil hindi aniya ito makaaapekto sa produksyon ng local rice.

Paliwanag pa nito, limitado lamang ang suplay ng bigas sa pandaigdigang merkado, kung saan mayroon lamang tatlong milyong metrikong tonelada ng bigas sa buong mundo na pwedeng i-angkat.

Kasabay nito, muli rin namang iginiit ng kalihim na hindi magtatagal ang pag-depende ng Pilipinas sa ibang bansa.