DTI nanawagan na huwag tawagan ang Hotline 8888

0
42

Nanawagan ang DTI o Department of Trade and Industry sa publiko na huwag tumawag sa Hotline 8888 para sa mga consumer-related concerns.

Ito ay kaugnay ng mga ulat na karamihan nang tumatawag sa naturang hotline ay tungkol sa mga reklamo sa presyo ng bilihin at kalidad ng mga produkto.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, may sariling hotline number ang DTI, kung saan maaring tumawag ang publiko para sa kanilang mga consumer-related concerns.

Paliwanag ng opisyal, ito ay upang mabilis na ma-aksyunan ng ahensiya ang mga sumbong nang mga tumatawag.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Castelo na may sapat na tao at pasilidad ang DTI para solusyunan ang mga sumbong na maipararating sa kanilang hotline.