Listahan ng mga narco politicians ilalabas ng DILG

0
57

Nakatakdang ilabas ng DILG o Department of Interior and Local Government ang listahan ng mga narco-list politician bago magsimula ang local campaign period, sa Marso 30.

Ito ang tiniyak ni DILG Sec. Eduardo Año.

Ayon sa kalihim, patuloy ang kaniyang pagsusuri sa hawak nilang narco list.

Aniya, kailangan muna nilang matiyak na walang mga inosenteng pulitiko ang mapabibilang sa nasabing listahan.

Dagdag pa nito, isasangguni muna nila ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hawak nilang listahan bago ito isapubliko.

Matatandaang, aabot sa 83 pulitiko ang kabilang sa narco list ng PDEA, kung saan karamihan sa mga ito ay alkalde, gobernador at barangay chairman.