Pangilinan maniniwala lang na lilinisin ni Pangulong Duterte ang PhilHealth kapag sinibak na nito si Duque

0
10

Maniniwala lang daw si Senator Kiko Pangilinan na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na panagutin at linisin ang PhilHealth sa katiwalian kapag sinibak na nito si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon sa senador, hanggat nakaupo pa din ang mga palpak sa  pangangasiwa at pamumuno sa paglaban sa COVID-19 pandemic ay hanggang salita lang aniya ang pangako at paniniyak ng pangulo na pananagutin nito ang mga tiwali sa PhilHealth at sa pagtugon sa pandemya.

Tulad lang anya ito ng naging pahayag at pangako ng pangulo na susugpuin ang problema sa illegal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan at magje-jetski siya  sa West Philippine Sea.

Matatandaang sa talumpati ng pangulo kahapon, ay nangako ito na sa nalalabing dalawang taon nya sa puwesto ay hahabulin at pananagutin niya ang mga kurap sa PhiHealth. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)