Pangilinan, Hontiveros hindi na sumailalim sa COVID-19 testing

0
18

Napag-desisyonan nina Senator Francis Pangilinan at Risa Hontiveros na hindi na sumailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.

Katwiran ng dalawa, wala naman umano kasi silang nararamdaman na sintomas ng COVID-19.

Bagamat hindi ito nagpasailalim sa COVID-19 test, tiniyak naman ni Hontiveros na sinusunod nya ang mga protokol ng Department of Health (DOH) at nag self-quarantine din matapos na magpositibo si Senator Migz Zubiri.