Mandaluyong City, nakapagtala ng 10 kumpirmadong kaso ng COVID-19

0
77

Nakapagtala na ang Mandaluyong City ng 10 kumpirmadong kasong coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa mandaluyong city health department, ang mga kaso ng COVID-19 ay naitala sa mga sumusunod na barangay:

Tatlo sa Highway Hills,

Tig-iisa naman sa;

Plainview

Daang bakal

Hulo

Vergara

Wackwack

Mauwau, at

Addition hills

Bukod dito umakyat na sa 260 ang Persons Under Monitoring (PUM) at 12  Persons Under Investigation (PUI).

Tiniyak naman ng Mandaluyong City Health Department na tututukan nila ng maigi ang bawat lagay ng mga pasyente.