Mga mangagawa hindi dapat pwersahing pumasok sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine — Nograles

0
29

Hindi dapat mapuwersa ang mga manggagawa na pumasok sa trabaho sa kani-kanilang mga trabaho sa gitna ng umiiral na enhance community quarantine sa Luzon.

Ito ang paalala ni Cabinet Sec. Carlo Alexi Nograles sa publiko matapos na ipatupad ng pamahalaan ang nabanggit na enhanced community quarantine sa Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Nograles, tanging ang mga empleyado lamang na may kaugnayan sa pangunahing pangangailangan ng tao ang dapat na pumasok sa trabaho.

Kaugnay nito, binigyang diin din ni Nograles na hindi dapat masibak sa trabaho ang isang manggagawa dahil lamang sa pagliban o hindi nito pagpasok sa trabaho sa gitna ng umiiral na enhance community quarantine sa Luzon.

Una rito, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na hindi kailangan pang mag-report ng isang mangagawa sa trabaho dahil sa mga ipinatutupad na safety protocols kung saan suspindido rin ang mass transportation.