Saturday, May 4, 2024

Pang-unawa hiling ng pulisya sa harap ng mahigpit na seguridad sa Taal

- Advertisement -

Humihiling ng pang-unawa ang Philippine National Police (PNP) Batangas sa mga residente at animal rescue groups na nagrereklamo sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad sa ilalim ng danger zone sa paligid ng Bulkang Taal.

Ito ay matapos na isailalim ang maraming bayan sa Batangas sa umiiral na lockdown dahil sa patuloy na aktibidad sa bulkan.

Ayon kay Batangas Provincial Police Director P/Col. Edwin Quilates, hindi maaaring pagbigyan ang lahat ng mga ito dahil kapag may nangyaring aberya ay kasama na rin sila sa mga ire-rescue.

Aniya, may ibinibigay naman na 6 to 10AM window hour ang Alkalde upang mailabas ang mga natitirang hayop at mga gusto pangdumaan na evacuees galing Agoncillo.

Samantala, nangako naman si Quilates na sakaling maganap ang worst-case scenario ay ang pulis ang huling aalis sa mga lugar upang matiyak na ligtas ang mga residente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img