27.9 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Dating child actor na si Jiro Manio arestado sa pananakasak sa Marikina City

- Advertisement -

Inaresto ng Marikina City Police ang dating child actor na si Jiro Manio, kahapon araw ng Biyernes, January 17.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sinaksak diumano ni Jiro ng tatlong beses ang isang nag-ngangalang Zeus Doctolero nang magpang-abot sila sa kalye ng Marikina City.

Gayunman, base sa naging pahayag ni Jiro ay unang nanakit si Doctolero at hinampas siya diumano ng helmet, dahilan para depensahan niya ang kanyang sarili.

Sa ngayon, nagpapagaling na sa ospital ang biktima habang nananatili naman sa istasyon ng Marikina police si Jiro habang iniimbestigahan kaugnay sa pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Samantala, si Jiro ay isang award winning child actor na lumabas sa pelikulang “Ang Tanging Ina” at “Magnifico” noong taong 2013.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -