Murang gamot malapit nang maranasan ng mga Pilipino

Murang gamot malapit nang maranasan ng mga Pilipino

by Powered by DWIZ
0 comment 10 views

Binabalangkas na ng Department of Health (DOH) ang isang executive order para mapababa ang presyo ng mga mahal na gamot.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa 120 gamot ang posibleng magkaroon ng maximum retail price.

Aniya, ang hakbang na ito ng ahensiya ay alinsunod sa Universal Health Care Law kung saan kailangang ibaba ang presyo ng mga mahal na gamot.

Kasabay nito, iginiit din ni Duque na kailangang ibaba ang presyo ng mga gamot sa bansa lalo na para sa mga nakamamatay na sakit dahil pitong beses na mas mataas ang presyo ng mga ito sa Pilipinas kumpara sa presyo nito sa ibang bansa.

Una rito, naglabas ang DOH ng listahan ng mga gamot na mababawasan ang halaga sa ilalim ng maximum drug retail price (MDRP) scheme.

Kabilang sa naturang listahan ang mga gamot para sa altapresyon, sakit sa puso, chronic lung diseases, diabetes, at cancer.

0 comment

Related Posts