Sinopla ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Sison makaraang sabihin nito na hindi daw magtatagumpay ang Anti-New People’s Army Task Force na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, self-serving ang pahayag ni Sison dahil hindi naman nito masasabi kung hihina ba o hindi ang NPA dahil sa binuong task force ng punong ehekutibo.
Giit ni Panelo, sa loob ng 50 taon na pakikibaka ng rebeldeng grupo, makailang beses na itong nabigo na pabagsakin ang gobyerno.
Sa katunayan aniya, naging matagumpay lamang ang komunistang grupo sa mga ginagawa nitong paghahasik ng takot at kaguluhan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.