100 pamilya nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Maynila

0
52

Nawalan ng tirahan ang hindi bababa sa 100 pamilya makaraang tupukin ng apoy ang nasa 40 bahay sa Barangay 849, Zone 93 sa Pandacan, Maynila.

Nilamon ng apoy ang mga kabahayan na nasa eskinita ng Ilang-Ilang Street na pawang mga gawa sa light materials.

Pasado 9:00 kagabi nang magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Pahayag ni Senior Inspector Lucio Albarasin, investigation division chief of BFP-Manila, aabot sa mahigit kalahating milyong piso ang halaga ng mga naabong ari-arian.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog na patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad.