Halos 400 pulis ikakalat sa bar exams sa University of Sto. Tomas

0
45

Aabot sa 434 na police officers at personnel ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa bisinidad ng University of Sto. Tomas upang maiwasan ang anumang untoward incidents sa darating na annual bar exams.

Sinabi ni NCRPO Regional Director Guillermo Lorenzo Eleazar na inaasahang 9,000 examinees ang makikiisa sa 2018 bar exams.

Ayon sa NCRPO chief, idedeploy nila sa loob ng apat na linggo sa palibot ng unibersidad ang mga PNP personnel upang masiguro ang kaayusan ng nalalapit na pagsusulit ng mga nagnanais na maging abugado.

Muling namang binigyang-diin ni Eleazar, na mahigpit nilang ipatutupad ang pag-ban sa mga alcoholic drinks o alak simula Sabado ng gabi hanggang sa susunod na apat na linggo.

Babala ng NCRPO chief, sinumang lumabag dito kahit pa examiner, kaibigan, kaanak o residente sa lugar , ay kanilang aarestuhin at dadalhin sa himpilan ng pulisya.