Wednesday, May 8, 2024

Pag-aksyon sa mga kaso ng EJK ipinanawagan kasabay ng ika-2 Anibersaryo ng pagpatay kay Kian Delos Santos

- Advertisement -

Ginunita ngayon ng CHR o Commission on Human Rights ang 2nd Anibersaryo ng kamatayan ni Kian Delos Santos, ang isa sa mga itinuturing na biktima umano ng EJK o Extra-Judicial Killings sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Kasunod nito, kinalampag naman ni CHR Spokespereson, Atty. Jackie De Guia ang pamahalaan na imbestigahan ang lahat ng mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng War on Drugs

Hinikayat din nila ang gobyerno na makipagtulungan sa CHR gayundin sa pandaigdigang mekanismo para mapanagot ang mga nagkasala at matigil na ang kultura ng pagpatay sa bansa

Kasunod nito, nanawagan si De Guia sa publiko na huwag manahimik sa gitna ng mga nangyayaring karahasan at maki-alam sa anumang uri ng pang-aabuso na kanilang nakikita

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img