Panawagan ni Sison na ipaubaya kay Robredo ang pamamahala sa bansa non-sense —Malacañang

0
21

Tinawag na non-sense ng palasyo ng Malacañang ang panawagang mag-bitiw na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, at ipa-ubaya ang posisyon kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipagkikibit-balikat na lamang ng Malacañang ang pahayag ni CPP-NPA founding chairman Joma Sison.

Kaugnay ito ng pahayag ni Sison na dapat ipaubaya na lamang ng pangulo ang kaniyang posisyon kay Robredo upang magampanan ng maayos ang kaniyang tungkulin.

Ginawa ni Sison ang pahayag matapos ang ulat na magbabakasyon ng tatlong araw ang pangulo, ngunit agad naman itong binawi ng Malacañang at nilinaw na “work from home” muna si Pangulong Duterte.