5 kadete ng PNPA posibleng masibak dahil sa hazing

0
13

Posibleng masibak ang limang (5) kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) dahil sa pagkakasangkot sa umanoy hazing kay Cadet Fourth Class John Desiderio.

Ito ayon kay PNPA spokesman Police Lt. Col. Byron Allatog ay kapag nabigo ang limang kadete na sagutin ang reklamong grave deliquency laban sa kanila.

Sinabi ni Allatog na matapos ang 20 araw ay maglalabas na sila ng resolusyon hinggil sa kaso.

Inihahanda na rin aniya nila ang kasong kriminal laban sa limang kadete na ngayo’y nasa isolation.

Si Desiderio ay nagpapagaling na matapos isugod sa ospital nang sumakit ang tiyan dahil sa umano’y maltreatment na nakuha mula sa kaniyang upperclassmen.