Panawagan ng Lokal na Pamahalaan ng Baguio, “Magdala ng sariling lalagyan sa tuwing mamimili sa Pamilihang Bayan”

0
5
(Photo courtesy of Baguio City Information Office)

Hinikayat ng Pamahalaang Lungsod ang mamamayan ng Baguio na gawing plastic-free ang Baguio City Market.

Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na magdala ang bawat mamimili ng kani-kanilang eco-bags para sa tuyong paninda at lalagyan para sa basang paninda.

Habang ang mga manininda sa palengke ng lungsod ay naglunsad ng donation drive para sa muling paggamit ng mga containers, eco-bags, paper bags at iba pang katulad nito na maaring ipahiram nila sa kanilang mga customers na walang mapaglalagyan ng mga napamili nilang basang paninda. Ang mga lalagyan na ito ay dapat na maibalik sa susunod na sila ay muling mamili nang sa gayon ay maipagamit din nila ito sa iba pa.

Hinihikayat ang lahat na dalhin ang kanilang donasyon sa mga designated points ng City Market. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply