LTFRB posibleng repasuhin ang aprubadong dagdag P2 sa jeep

0
41

Posibleng repasuhin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inaprubahang P2 dagdag sa minimum na pasahe sa jeep.

Ito’y matapos ihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na dapat pag-aralan muli ng LTFRB ang naging pasya nito hingil sa fare increase.

Inaasahan din na matatalakay ang fare hike sa nakatakdang pulong ng board sa Miyerkules, Nobyembre 7.

Una rito, sinabi ng grupo ng mga commuter na maghahain sila ng petisyon para ibalik sa dati ang halaga ng pamasahe sa jeep lalo na’t sunod-sunod na ang naging bawas sa presyo ng langis.